Tuesday, March 22, 2005

Pobeda: Ang insidente

Naranasan nyo na bang nakalimutan kayo bigyan ng magulang nyo ng allowance at may fieldtrip ka pa kinabukasan. Sa kawalan ng pera ay magwi-withdraw ka na lang sa savings account mo... Ang problema, nawawala ang ATM card mo!! Ano'ng gagawin mo?!!

Totoong malaki ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa ating araw-araw na pamumuhay. Naging parte na ng ating pagkatao ang kapitalismo--sa pananamit, pagkain, serbisyo, komunikasyon at transportasyon. Noon, sabi ko, hindi ko kayang mawalan ng load at talagang ng fre-freak out ako pag paubos na ang load ko (pero matagal na 'yun). Ngayon-ngayon ko lang napapagtanto na may mga backdrops din ang kapitalismo.

Noon, akala ko, lahat convenient, lahat pwedeng palitan, kahit vital organs mo pwedeng i-replace dahil sa teknolohiya dulot ng kapitalismo...pero ang kapitalismo ang nagbibigay ng sarili nitong limitasyon... ito ang naging dahilan sa pagkawala ng isang bagay na hindi nito kayang palitan.

Siguro narinig niyo sa radyo, nakita sa tv o kahit nakwento ng mga kaibigan, kaklase o propesor ang nangyari noong ika-6 ng Marso, between 9-10pm, Miyerkules.
Dahil sa cellphone ay nawalan ng buhay ang isang on-time na graduating student, cum laude standing...si Kuya Mervs....

Malaki ang panghihinayang ng kanyang mga kaibigan at siyempre ng kanyang mga magulang ang kanyang pagkawala...
Tama lahat...na hindi lahat ng produkto ng kapitalismo ay makakabuti...
...na ang kapitalismo mismo ang sisira ng ating sistema bagamat parte ito ng sistema
...na ito ang magiging mitsa ng ating buhay
...na ito ang magiging sanhi ng pagkasira ng mundo....

Hindi natin alam, unti-unti na tayong nalalason sa ating mga kinakain sa fastfood at mga "just add hot water" na pagkain at iba't-iba pang produkto ng Kapitalismo.

Pobeda: Alienation sa Relihiyon

Parang naiintindihan ko kung bakit may angst si Sir U towards sa Catholicism...
Nang gabi ring iyon, bago matulog ang aking kapatid, ininterbyu ko muna siya tungkol sa kanyang spiritwalidad..
Sa aking pagtatanong, nalaman ko na napakababaw ng paniniwala ng aking kapatid (kung nababasa mo ito, peace! ginagawa lamang kitang example...hehe...). Una, tinanong ko siya kung bakit siya nagsisimba. Sabi niya dahil obligado raw ang mga Katoliko na magsimba tuwing linggo.. Biruin nyo, ganun kababaw ang itinuturo ng mga Catholic Schools sa mga estudyante!!!!!
Para sa akin, okay ang Katolisismo kung tama ang dissemination ng information. Ang problema kasi, maraming "ritwal" ang Katolisismo na wala sa Bibliya at pawang gawa lamang ng mga naunang mga Papa. Katulad ng mga piyesta at pagdadasal sa mga Santo at replica ni Jesus at Mary. Hindi ba't idolatry iyon?
Ngayong magho-Holy Week na ay sana maging totoo ang ating damdamin ukol dito. Sana rin ay alam natin kung bakit mayroong Holy Week....

Pobeda: Pagkatapos ng kwentuhan

Siguro nagtataka kayo bakit ko nilagay sa entry ko 'yung kwentuhan namin ng kapatid ko (sa bagay, related din nman yun sa topic sa Panpil17...).
Siguro nagtatanong rin kayo kung ano ang kinahinatnan ng pag-uusap namin.
Eto ang nangyari...
Medyo hindi pa nakukuha ng kapatid ko ang mga sinabi ko sa kanya. Sabi niya, masyado na raw akong naging radikal...
Ito ang maling konotasyon sa salitang radikal.... para sa akin, tama lang na maging mabusisi ang mga tao sa kanilang paligid, sa sistema ng pamahalaan at pati sa mga produktong binibili nila.
Bakit?
Upang hindi tayo ma-alienate sa mga ito.
Noon, basta bili na lang tayo ng bili na di natin iniisip ang lihim na ipinararating ng mga produktong iyon... Katulad ng commercial ng cup noodles. Sinasabi dun yung mga advantages ng pagkain ng noodles--ang dami-dami raw na benefits, invigorating at healthy pa raw...Grabe!!!!
Alam naman nating lahat na junkfood ang mga noodles at puro MSG lang ang laman nun... Ngunit sila, ine-alienate nila tayo at pinapaniwala nila ang mga tao na masustansyang pagkain ang MSG... Grabe....

Faustino: Mara Clara

Naku napanood niyo ba ang movie ng idol ko? Yup, Mara Clara kahapon sa channel 2. nasa bahay lang ako kasi wala ng class mula 8:30 onwards.
Hindi naman lingid sa kaalaman natin kung ano ang istorya ng Mara Clara, ipinagpalit sila nung ipinanganak, inaapi si Mara (Judy Ann) ni Clara (Gladys). Mayaman si Clara, mahirap si mara, maldita Si Clara, martir si Mara. Puro contrast ang ugali nila.. naaalala ko nung ang topic natin sa panpil ay si Juday, sa fair ako nagbabasa ng readings niya habang nagbabantay ng booth! Sabi ng mga kasama ko, “Naiintindihan mo pa ba?” ang sagot ko, “sitempre idol ko ‘to eh!” siyempre, joke yun..
Gusto ko lang magcomment sa napagaralan natin na Judy Ann ang Ordinaryo. Nakita ko kasi yung kilay niya, hindi pa inaayos, ngayon ko lang napansin yun. Yung mga damit niya sa pelikula, dahil katulong siya, ay mga pang mahirap at dito na nasimulang itypecast si Juday bilang apiapihan. At tulad din ng typecast na istorya, naging mayaman siya at nagpatawad, tapos si Clara bumait din. Katulad ng mga pelikulang drama ni Sharon Cuneta. Naalala ko ang mga balita dati na maldita talaga sa totoong buhay si Juday na mahirap paniwalaan dahil sa imahe na naitatag niya sa mga manood. Siguro dahil sa kanyang mukha kaya naitatago niya ang mga negatibong ugali niya. Ang isang api na si Mara ay magagawang magmaldita? Hindi mapagtiis yun at hindi gagawa ng ganun. Malaki kasi ang nagagawa ng representasyon sa mga artistang gumaganap sa pelikula, kung ano ang nirepresent mo, yun ang matatanim sa isip ng mga tao na ugali mo sa totoong buhay, at dapat mo na ring sundin kung gusto mong magtagal sa showbiz. minsan naiisip ko kung hindi kaya nagkakaroon ng identity problem ang mga artistang typecast sa isang role, tulad ng isang martir na inaapi? Dahil kailangan nilang mamuhay ng ayon sa imaheng naitatag nila, dahil oras na ipakita nila ang kabalintunaan nito ay matatapos na ang kanilang career?

Faustino: bacacionn fevah!!

Paano nyo iiispend ang mahabang bakasyon? Siyempre sa mga hindi mag-susummer, meron kayong 2 buwan na pahinga,, ako magsa-summer ako, Chem 26!! Pamatay araw araw, 9am to 5pm papasok, arawaraw magpapasa ng lab report!!! Ayoko munang isipin yun! ang unang tanong e, ano ang gagawin niyo habang Holy week, sama sama tayong sisigaw na… mag-aaral!!! siyempre dahil finals na after ng holy week, ako talagang sa bahay lang at mag-aaral, tatapusin ang mga dapat gawin. Sa totoo lang wala akong gingawa pag holy week, tuwing biyernes lang ako umaalis dahil sumasama ako sa tatay ko dun sa may nagpapako sa krus,, siyempre alam nating lahat yun, lagging nasa tv, dyaryo etc. hindi ako deboto dun, pero nirerespeto ko ang mga bagay na tingin nila ay tama. Siguro, 4 times na akong nakakasama dun, minsan kasama ko mga pinsan ko, gusto raw din nila makakita nun sa totoong buhay.. Ngayong biyernes, hindi ako sasama, buburuhin ko ang sarili sa bahay, talaga! Kayo ba share naman ng mga happenings..
Habol ko, wag natin I-terminate ang blog natin.. suggestion lang.. mamiss ko kayo!! (,”)Naku, namimiss ko tuloy ang bakasyon kapag highschool, ang saya kasi free na free na ang mga estudyante sa mga gawaing pang iskwela at oras na para magpasarap; punta sa beach, sa resort.. kasama ang mga pinsan, magoovernight tapos hindi matutulog dahil magdadaldalan lang, paggising kakain, swimming na naman tapos cycle na naman. Ngayon hindi na, dati pampered pagkatapos ng mahabang pag-aaral, ngayon bilang pagharap sa realidad, hindi laging sarap pagkatapos ng hirap. Ganun talaga minsan lalong pinapahaba ang paghihirap para mas masarap ang darating na ginhawa.. di ba? Naiisip ko lang kasi, eto na ang katapusan ng mga ganung cycle ng buhay ko. Hindi naman ibig sabihin na hindi na ako maga-out of town, pero kasi may mga mas importanteng bagay na dapat tapusin. Pwede pa rin namang may enjoyment, siyempre we need a break!! Pero not an extravagant break, meaning yung buong month puro ganun, o di kaya sa bahay at nagpapataba? Guilty ako dun…, kasi pag nawili tayo sa masarap na break ang hirap ng pumasok.. (,”) anyway, kaya ko nasabing katapusan na ng ganung cycle, lahat ng summer ko ipapasok ko nalang para makagraduate agad! Mas magiging masaya pa ako nun!! Mas mahabang bakasyon naman ang kasunod.. hehe..

Pobeda: Kwentuhan with my sister

Legend:
< >-my thoughts
{ }-my sister's thoughts

Isang gabi habang nanonood ako ng tv kasama ang aking nakababatang 2nd year highschool na kapatid ay nagpapaturo siya tungkol sa Economics at Social Studies... Bakit raw kapitalismo ang tawag sa kapitalismo?
Ang sagot ko ay dahil sa root word nito na "capital" na ang ibig-sabihin ay "pera" o "puhunan sa negosyo".
Nagtanong siya uli: Bakit raw sa dinami-dami ng mga salita ay 'yun pa ang napiling root word.
Sinagot ko siya ng ganito: dahil ang pinaka-nature ng kapitalismo ay kumita ng kumita ng kumita ng pera hanggang sapunto na lokohin at i-brainwash nila ang mga tao.
Ginawa kong halimbawa ang mga komersyal sa tv.
Unang halimbawa: mga shampoo at conditioners
Tinanong ko siya: May nakita ka na bang modelo ng shampoo na kulot ang buhok?
Nag-isip siya. Sagot niya: wala.
Nagtanong akong muli sa kanya: Ano ang ipinahihiwatig ng komersyal na mga 'yan?
Nag-isip muli siya. Sagot niya: E... edi para hikayating bumili ang mga tao ng produkto nila.

Tanong ko sa kanya: E sino naman ang pinatatamaan ng komersyal na yan?
Sagot niya: Edi lahat ng tao!...
{Ano ba naman 'tong mga tinatanong ni Ate?!!!!}

Sabi ko sa kanya: Sinasabi ng komersyal na yan na kapag kulot ang buhok mo, pangit ka! Kaya nga may mga tag lines pa sila na "parang ni-rebond". Hindi ba kaya ka nagpapa-relax ng buhok e dahil medyo kulot ang buhok mo at gusto mo itong matuwid?
Sagot niya: Ano naman ang kinalaman nun?
Sabi ko: Di mo parin gets... Eto sundan mo nalang ang analogy=
maganda : tuwid ang buhok ; pangit : kulot ang buhok
Tanong niya: 'San mo naman nakuha ang analogy na 'yan?

Sagot ko: Dun nga sa komersyal, sinasabi nila na kapag parang wavy na ang buhok mo, kailangan mong magpa-hair rebond o di kaya gamitin mo ang shampoo nila. Hindi ba't malaking panloloko yun sa mga tao? Ngayon, gets mo na?
{...}
Sabi ko: Sige isa pang halimbawa
Pangalawang halimbawa: mga pampaputing sabon at lotion.
Tinanong ko siya: Bakit kaya maraming produktong pampaputi ang tinitinda dito sa Pilipinas?
Sagot niya: Malay ko.... ba't kase ako pa ang tinatanung-tanong mo ng mga ganyan?!

Sabi ko: Sa ibang bansa kaya, tulad ng Amerika, di ba halos wala? Bakit kaya?
Sagot niya: Kasi, mapuputi na ang mga tao dun.
Sabi ko: Edi nasagot mo rin. Kaya dito binebenta ang mga pampaputi na yan e dahil kayumanggi ang kulay ang balat ng maraming Pilipino. Ngayon, ano naman ang "basic formula" o pattern ng mga komersyal na yan?
Nag-isip siya.
Sagot niya: May isang babae, maitim. Tapos puputi pagkatapos gamitin ang produkto.
Sabi ko: Ano pa?
Sagot niya: Di ba yun lang yun?
Sabi ko: Di ba sa una parang di siya masyadong napapansin, halimbawa, ayaw sa kanya nung crush niya tapos nagpaputi lang siya, pinansin na siya... Kaya nga nakikita kong pointless ang pagbili ni mommy ng whitening soap at lotion...
Sabi niya: E nangingitim nga raw siya dahil sa pagko-commute.
Sabi ko: Edi wag na niyang kalabanin ang pag-itim niya. Bumili na lang siya ng kotse. Sa tingin mo, bakit ayaw umitim ni mommy?
Sagot niya: Dahil hindi na siya papansinin ni daddy?
Sabi ko: Sira! Dahil dito sa bansa natin, mas mataas ang tingin kapag mukha kang mestiza o banyaga. Dapat maputi, matangos ang ilong, tuwid ang buhok at dun sa mas maykaya, kailangan iba ang kulay ng mata. Iyan ang epekto ng joined forces ng kapitalismo at kolonyalismo. Ang kolonyalismo ang nagtatakda ng "ideal na hitsura" at ang kapitalismo ang "tumutulong" sa mga tao upang makuha ang "ideal na hitsura" na ito sa pamamagitan ng iba't0ibang produkto sa merkado. Sa huli, ang mga negosyante ang yayaman at kikita ng malaki habang ang mga nabulagang mga Pilipino ang unti-unting naghihirap para masunod ang pamantayan ng panlabas ng anyo at hindi nila naiisip na okay lang kahit kayumanggi ka o kahit kulot ang iyong buhok.



fabregas:enter you PIN...

wow! everything's instant.
gaya nga ng sabi ni sir, dahil sa kapitalismo, lahat nagiging madali. lahat kayang makuha sa isang iglap.
di ko masyadong pinansin yung sinabi na yun ni sir, until nung nagwithdraw ako ng pera gamit yung ATM ko sa PNB. ang bilis talaga noh! di ko na kailangang pumila at maghintay sa loob ng bangko. instant!!!!! galing!!!!!
antagal ko nang ginagamit yung ATM ko pero ngayon ko lang nabigyang pansin ang bahid ng kapitalismo. shucks, pare!!!
time, pamasahe, at pagod ang nasi-save gamit ang isang polaroid card lang! yun nga lang, nagiging tamad ang mga tao. tulad ko, hehe...
anyway, para kay sir at sa mga classmates ko sa panpil, thank you for that wonderful semester. kita-kits sa march 28. alam nyo ba, sa panpil ko lang nararamdaman na hindi ako isang estudyante lang? totoo! corny noh?
cmon guys! magpakatotoo kayo. sa panpil, pumapasok tayo para maging masaya at magpakatotoo.
cge, hanggang dito na lang...
ganyan talaga...people we meet come and go.